Heto na,... Heto na,... Heto na... Aha!
Sa wakas, nakabili rin ako ng camera. Kung hindi dahil sa baby ko di pa ako makakabili nito. Hulugan nga lang, Sa cellphone camera pa. Ito po ang Sony Ericsson K800i na sa pagrereview ko ng mga features ay ito raw ang the best kung picture lang ang paguusapan. Gusto ko sanang bilhin ang Canon na IXUS-i pero medyo may kamahalan ang presyo kaya Sony Ericsson na lang ang pinili ko. Kaya ko po binili ang cellphone na to ay dahil 1 month old na ang first baby ko ay wala pa ring picture. Last week ay nagcanvass ako ng presyo, Tumingin muna ako sa Sony Ericsson Branch sa Robinsons Ortigas, ang presyo ng K800i ay Php 9,800.00 kaso 6 months lang ang installment. May nakita ako sa exhibit sa Mall of Asia, 12 Months installment kaso wala na daw silang stock sa Sony Ericsson MOA. Di raw nila alam kung may darating pang stock dahil pa phase out na daw ang model ng CP. Pinagisipan ko muna at naka pagdecide ako na kunin ko na lang ang nasa Robinsons. Bumalik ako after 1 week pero nagulat ako, PhP 10,680.00 na ang presyo. Bagong dating lang daw kasi ang stock nila dahil mabilis maubos kaya no choice ako kundi kunin ko na kaya ito, pag uwi ko may bago na akong laruan. Ang CP na gustong gusto ko noon, worth 24K pa noon at bumaba ng halos 50%.
Labels: Personal
0 comments
Post a Comment